welcome to my personal blogspot
Lunes, Mayo 7, 2012
dilim ng gabi hindi ko na pansin
pagkat sayo ay nag aabang palagi
sa bawat online mo ako`y napapangiti
please naman sa chat ako`y mapansin
friendsforsale kung ito`y tawagin
pagbebenta sa tao ang nais iprating
ngunit kung ako ang papipiliin
ang tulad mo`y hindi ko ipagbibili
ito nanaman ang kamay ko hindi mapigil sa pagsulat
pagdating sa tulad mo`y uhaw akong binita
pansinin mo naman ako napaka gandang dilag
pagsusumamo ko`y bigyang halaga :) ♥
Linggo, Mayo 6, 2012
Super Moon
super moon ka ba kung tawagin
hiwaga mo`y inaabangan ng nakakarami
presensya mo`y hindi nila mawari
parang dyamanteng precious kung ito`y magiging akin
hindi ko alam bakit ikaw ang nakita
sa lahat ng nakilala ikaw ang bumulaga
kagandahan mo`y kakaiba sa madla
dahil isang bigkas mo pa lang puso`y ko`y tuwang-tuwa
oh binibi ginagalang ko ang iyong mga himig
tulad mo sana`y mapasaking piling
pagkat puso ko`y iyong inakit
sana naman super moon ako`y iyong dinggin
Start of Love
isang butuin ang katumbas ng iyong tingin
sa bawat ngiti mo`y katumbas ng langit
hindi mapigil yaong damdamin
dahil ang tulad mo`y,bigla akong naakit
para kang kanta namumukod tangi ang himig
bawat salita na nababangit sa aking bibig
katumbas nito`y notang patungkol sa pag-ibig
kahit ako`y napapaindak sa tuwing ito`y naririnig
bago ko wakasan yaong aking sumamo
nais kong ibulong sa sarado mong puso
na ang tulad ko`y pagbigyan mong pumasok
upang maiparanas ko naman sayo ang salitang PARAISO
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)