isang butuin ang katumbas ng iyong tingin
sa bawat ngiti mo`y katumbas ng langit
hindi mapigil yaong damdamin
dahil ang tulad mo`y,bigla akong naakit
para kang kanta namumukod tangi ang himig
bawat salita na nababangit sa aking bibig
katumbas nito`y notang patungkol sa pag-ibig
kahit ako`y napapaindak sa tuwing ito`y naririnig
bago ko wakasan yaong aking sumamo
nais kong ibulong sa sarado mong puso
na ang tulad ko`y pagbigyan mong pumasok
upang maiparanas ko naman sayo ang salitang PARAISO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento